Yan ang headlines sa mga diyaryo nung isang araw.
Oh eh di ba, naisulat at naibalita ko na yan sa inyo nung isang buwan pa ?
Napakaganda ng dalawang laro at siyempre, napaka-exciting nung Letran vs. PCU.
Sinasabi nilang preview na raw ito ng maaaring mangyari sa finals, and true enough, pinatunayan lang ng PCU at Letran na pang-championship nga ang laban nila.
7-0 na ang Letran at sigurado na yan sa Final Four.
Ang aalamin na lang natin eh kung may makakatalo pang team sa Letran on the way to the second round....
Wala pa si Ronjay Enrile nyan ha....
O baka naman mas gumanda ang laro ng Letran nung mawala si Ronjay Enrile?
Baka nga noh?
Earlier, na-injury din si Ren ren Ritualo sa practice pa lang kaya di na naisama sa Jones Cup line-up.
Ilang buwan din silang magpapahinga to get back to form.
Sana wala nang susunod pa...
Way beyond the retirement age pa sila pero ngayon pa lang, wala na, di na nila kaya, at wala nang kumukuha sa kanila.
Forced to retire, ika nga.
Mga bata pa naman sila eh kung bakit kay aga nilang humina ang mga tuhod at hirap nang lumaro at wala nang may tiwala sa kanilang teams.
Ngayon lang nila na-realize na sa basketball, mas mabilis maka-pagpahina ng tuhod at makapagpa-laos ang kawalan ng utang na loob sa mga taong tumulong sa kanila ng lubusan nung nasa college at PBL pa lamang sila.
Sus, napakarami ng players na ganyan na nang makatikim ng glorya sa PBA eh madaling nagka-amnesia.
Too late na nila na-realize ang ugaling ganito at mabilis pa sa kidlat na nag-alis ng ningning sa kanilang mga basketball careers.
Kukulangin ang aming espasyo kapag inisa-isa ko ang pangalan ng mga players na ganyan ang ugali at ngayon eh kaybilis nawalan ng puwang sa basketball samantalang ang gagaling naman noong nasa college af PBL pa lang sila.
Ngayon lang nila napagtanto na mas mabilis na makabulok ng tuhod ang pagiging ingrato!