Cuban boxing coach darating sa Agosto

Pagkatapos ng lahat ng kanyang commitments sa Cuban Boxing Team, darating na si Raul Fernandez Liranza, ang Cuban coach na responsable sa silver medal na pagtatapos ni Mansueto ‘Onyok’ Velasco sa 1996 Atlanta Olympics.

Inaasahang darating sa bansa si Liranza sa Agosto 9 upang tulungan ang national coaching staff sa paghahanda sa mga Pinoy boxers sa kanilang kampanya para sa overall title sa boxing event ng Southeast Asian Games sa Nov. 27 hanggang Disyembre 5 sa Bacolod City.

"We have been expecting him since late June but two prior commitments of the Cuban government as well as the flight schedule prevented him from coming in earlier," ani Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) presi-dent Manny T. Lopez.

Sinabi ni Lopez na tata-pusin ni Liranza ang kanyang commitment sa Cuban Na-tional team na lalahok sa isang international tournament ng Carabobo Festival sa Caracas, Venezuela. Bago ito, napisil din si Liranza ng kanyang gobyerno na mamuno sa Cuban delegation sa World Cup na gaganapin sa Russia.

Ayon kay Lopez, si Liranza, na isang mahusay na national coach at responsable sa 2 mula sa anim na gold medals ng Cuba sa Athens Olympics, ay nahirapang makakuha ng permiso sa Cuban govern-ment para sanayin at igiya ang Philippine boxing team.

"With him around, he could help our coaching staff to neutralize the threat of Thailand, which, undoubtedly, will be our main rival for the gold medals in boxing," ani Lopez

Umaasa si Lopez na makakasama si Liranza sa paglahok ng Nationals sa Acropolis Cup sa Greece sa Oct. 9 hanggang 14.

Ang iba pang international tournaments na nakalinya sa RP squad sa kanilang pagha-handa sa SEA Games ay ang Senior Asian Boxing Cham-pionships sa Ho Chi Minh, Vietnam (Aug.28-Sept. 5) Narantuul sa Ulan Bator, Mongolia, (Sept.15-20) Tammer Cup sa Oct. 19-24 sa Tam-pere, Finland; at ang World Championships sa Miangyang, China, sa Nov. 5 hanggang 15.

Show comments