Dahil sa imakuladang barahang hawak, patuloy na nakikisosyo ang Pinoy sa liderato sa Passing Lane Sports ng US at Samara ng Russia sa 10-team field na torneo.
Ang malawak na 38 puntos na bentahe ng RP-SMB hindi gaanong nag-pakita ng pagkabahala sa dinanas ng Pinoy sa unang bahagi ng laro kung saan rumatsada si Shanmugam Sridhar upang idikta sa India ang tempo sa first period 22-14 bago isinara ito sa 24-19 bentahe matapos ang 10 minutong laro.
Sa pagpasok ng ikala-wang bahagi, winasak ni Jay-jay Helterbrand ang India, nang manalasa ito at simulan ang pag-iinit ng mga Pinoy. Kumana si Helterbrand sa second quarter na nagbigay sa RP-SMB ng abante 25-24, may 8:45 pa ang nasa orasan.
Sinimulan din ni Asi Taulava, nanguna sa lahat ng scorers sa kan-yang 29 puntos, na mag-inat sa ilalim at tabunan ang magagaan na In-dians. Ngunit determi-nado ang kalaban na bigyan sila ng sakit ng ulo nang kumana ito sa perimeter at makalapit sa 41-43 sa ikatlong period.
Ngunit yun na ang huling oposisyon ng Indian nang magsimulang manalasa sina Taulava, Romel Adducul at Tony Dela Cruz para sa 15-0 blast at mula sa 57-48 na kalamangan napalobo pa nila ito sa 72-48 sa ikat-long yugto ng laro.
Hindi pa rin nakun-tento, tuluyang minasaker ng RP-San Miguel Beer ang India nang hindi nilang pinayagang makakuha ito ng kahit isang goal sa huling apat na minuto ng laro.
"I admitted I made a mistake by telling the guys India will be a light oppo-nent," ani national coach Chot Reyes, na walong players lamang ang halos naglaro. "We came out quite flat and India took advan-tage. Any team in this tournament is capable of beating any team on a given night."
Makakaharap ng Pinoy ang AIS ng Australia sa ganap na alas-4 ng hapon kung saan baka hindi gamitin si Brandon Cablay na iika-ika na lumabas ng court sa second period.
Gayunpaman, dumating na sina PBL at UAAP standouts Dennis Miranda at Jondan Salvador para makahalili ng na-injured na si Willie Miller.