Nagpamalas ng mainit na 60% field goal shooting ang Ateneo sa first half kung saan nakita ang 54-23 kalamangan bago matapos ang ikalawang quarter.
Hinigitan nina Duog Kramer, L.A. Tenorio at JC Intal na may pinagsama-samang 33-puntos sa first half ang 25-puntos na produksiyon lamang ng Nationals sa unang dalawang quarter.
Nagkaroon ng kaun-ting komosyon sa laro kung saan nagkagirian sina Kramer at Edwin Asoro, sanhi ng kanilang pagkaka-thrown-out, 4:17 ang oras sa fourth quarter na posibleng magbunga ng suspensiyon depende sa rekomendasyon ni league commissioner Joe Lipa.
Samantala, sa ikala-wang seniors game, tinu-hog ng Far Eastern Uni-versity ang ikaapat na su-nod na panalo nang kani-lang ilampaso ang Uni-versity of Santo Tomas, 76-62.
Lumabas na ang pang-Most Valuable Player na porma ni Arwind Santos nang pamunuan nito ang FEU Tamaraws sa pagtatala ng kanyang unang double digit na produksiyon na 15-puntos na sinuportahan nito ng 16-rebounds upang pa-natilihing malinis ang katayuan ng Far Eastern.
Maagang umarang-kada sa mahigit 20-pun-tos na kalamangan ang Tamaraws gayunpaman ay hinayaan nilang mai-baba ito ng UST Tigers sa walong puntos, 43-51 papasok sa final canto.
Sa juniors division, sumulong sa 3-1 karta ang defending champion ADMU Blue Eaglets at FEU Baby Tams matapos ilampaso ang UST Tiger Cubs, 73-53 at NU Bull-pups, 83-28 ayon sa pagkakasunod.