Kumana ng 15 foot jumper si Dondon Hontiveros na nagbigay sa Philippines ng ikatlong pagtikim sa abante, may 50.2 segundo na lamang ang nalalabi. Kasunod nito, na-steal ni Jayjay Helterbrand ang bola kay 67 Alex Comaco upang maipreserba ang bentahe. Nagkaroon ng pagkakataon ang Jam na makaalpas, ngunit nag-mintis ang desperadong jumper ni Kamron Sufi kasunod ng buzzer.
Isang magiting na pakikipaglaban ang ipinakita ng Pinoy na hindi sumuko bagamat nagkaroon ng strain left calf muscle ang kamador na si Ren Ren Ritualo sa kaagahan ng first period.
Nagpakawala ng 14 puntos sa kanyang kabuuang 22 puntos si Tony Dela Cruz sa ikalawang yugto nang pigilan ng RP-San Miguel ang Jam na palobohin ang kanilang 16 puntos na bentahe, 31-15.
Humalili naman sa opensa si James Yap nang kumana ito ng 13 puntos sa kanyang kabuuang 16 puntos sa second half habang hindi naman nagpadaig si Romel Adducul sa mga higanteng kalaban nang kumana ito ng 11 puntos at 7 rebounds.
Ang Jam, na nagwagi sa American Basketball Association kasama si Dennis Rodman sa nakalipas na dalawang season, ang tanging club na naglalaro sa Summit na naglalaro ang prangkisa sa regular league.