Naisubi ng Beer-men ang kani-lang ika-17th titulo matapos iselyo ang 4-1 panalo-talo sa kanilang best-of-seven titular showdown laban sa Phone Pals.
Gumawa ng kabaya-nihan si Olsen Racela sa huling maiinit na segundo ng labanan sa pamama-gitan ng kanyang krusiyal na steal at tatlong free-throws upang ibigay kay coach Jong Uichico ang ikaanim na titulo bilang maagang regalo sa kan-yang ika-43 kaarawan sa Biyernes.
Abante pa ang Talk N Text, 87-86 nang umiskor si Danny Ildefonso ng one hand jumper upang aga-win ang kalamangan, 22 segundo pa ang oras sa laro.
Nabigong umiskor ang Talk N Text sa kani-lang sumunod na poses-yon nang maagaw ni Racela ang pasa ni Jimmy Alapag kay Willie Miller.
Nakahugot ito ng foul mula kay Miller na nag-dala sa kanya sa charity lane at umiskor ng dalawang freethrows tungo sa 90-87 abante, 13.4 segundo na lamang ang natitirang oras.
Tuluyang naglaho ang paga-asa ng Phone Pals na pahabain ang serye nang magmintis si import Jerald Honeycutt sa minadaling tres at muling nakakuha ng foul si Racela kay Miller para iselyo nito ang final score sa pamamagitan ng kanyang split shot.
Nasa kontrol ang Talk N Text sa kaagahan ng laro ngunit nasira ang kanilang diskarte nang maaga silang malagay sa penalty situation sa ikalawang quarter.
Naubos na ang anim na fouls ng Phone Pals, 10:17 minuto pa sa ikalawang canto kaya nagkaroon ng pagkaka-taon ang San Miguel na habulin ang kanilang 35-26 kalamangan.