Ang panalo ay nagtakda sa 16-anyos na si Ang, na lumaro mula sa Inflight/PNP/JLTC/Phil. Star, sa pakikipag-laban kontra kay Ralph Ian Mendez, 21-gulang ng Univ. of San Jose Recoletos-Cebu, na nakalusot naman kay Alex Borromeo ng Pohang BC, 15-5, 15-8 sa isa pang semis match para mapasabak sa top P8,000 purse na inilagay ng nagtata-guyod na JVC (PHILS.), Inc.
Dinomina naman ni Janina Paredes ng Golden Shuttle Foundation si Mary Joy Abad ng PNP/JLTC, 11-0, 11-3, at isaayos ang kanilang paghaharap ni Dalia Santiago ng Phil. Star na nanaig laban sa kay Maiqui Laurel, 11-4, 7-11, 11-7 sa ladies singles crown.
Ginapi naman ng tambalang Melody Villaceran ng Phil. Star/Chaopai/Battledore at Elaine Lao ng Valle Verde ang duo nina Gina Flores at Junalee Magnaye ng Centro Atletico, 15-6, 17-14, upang umusad sa finals ng ladies doubles ng event na ito na suportado ng Alaska, Gosen, Chris Sports, Rudy Project, Technomarine, Nokia, Lactacyd, Pioneer Life, Bacchus at Akari.
Tangka nina Villaceran at Lao ang korona at top purse na P8,000 kontra sa tandem nina Tehrine Chan ng DLSU/Team Valencia at Norine Go ng Premier City Club, na sumibak naman sa pares nina Maiqui Laurel-Andres Go,15-8, 15-4.