Haharapin ni Pagulayan ang mahigpit na kompetis-yon mula sa mga manlalarong kumakatawan sa 28 ibat ibang bansa. Nakataya sa limang araw na torneong inorganisa ng Match Room ay ang halagang US $350,000 (P19.6 Million) na ang kampeon ay may garantiyang iuuwi ang top prize na US $75,000 (P4.2 Million).
Siyam pang ibang Pinoy sa pamumuno ni 1999 champion Efren Bata Reyes ang umusad sa main draw. Makakasama ni Reyes sina dating world number 1 Francisco Django Bustamante, 2005 San Miguel Asian 9-Ball Manila leg winner Ronnie Alcano, Singapore leg winner Gandy Valle, Rodolfo Luat, Marlon Manalo, Dennis Orcullo, Warren Kiamco at Antonio Lining.
Bukod sa Pinoy ang mga paborito sa torneo ay sina two-time World Pool champion Chao Fong Pang at 2005 San Miguel Asian 9-Ball Tour overall champion Yang Ching Shun ng Chinese Taipei, Thorsten Hohmann at 2002 World Pool champion Earl Strickland ng United States. Ito ay mapapanood sa ESPN at Star Sports.