Pinatalsik ng Starmen ni Miguel Belmonte ang defending champion GNC, 77-70 habang dinurog naman ng Wilcon squad ni Bobot Ong ang Memory Magic, 81-57.
Sumandal ang Philippine Star sa kabayanihan ni Ver Roque na kumana ng 9 markers kabilang na ang krusiyal na 4 point play sa huling yugto ng labanan para trangkuhan ang koponan ni coach Rene Recto.
Nakipagtulungan si Roque kina Mario Geocada at Gerald Ortega sa 9-5 run tungo sa pagtapos sa GNC quintet.
Nakatakda ang final sa July 3, Linggo.
Maghaharap naman ang Memory Magic at GNC para sa ikatlong puwesto sa ganap na alas-9 ng umaga.
Agad isusunod sa halftime ng unang laro ang Bio-Fresh Ladies Freethrow contest para rin sa 3rd place na paglalabanan naman ng Shocks XT at Memory Magic.
Bago ang salpukan ng Starmen at Builders sa ganap na alas-10:30 ng umaga, idadaos naman ang finals sa cheering competition.
At sa halftime, ang finals naman ng Bio-Frest free-throw finals sa pagitan ng Philippine Star at GNC.