Orbeta nagbida sa 2nd win ng Blazers

Sa pamamagitan ni point guard Paolo Orbeta, dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang College of St. Benilde.

Humugot ang 5-foot-10 na si Orbeta ng anim sa kanyang game-high 14 puntos sa fourth period upang tulungan ang Blazers sa 55-45 paggiba sa Altas ng University of Perpetual Help-Dalta System sa 81st NCAA men’s basketball kaha-pon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa bisa ng naturang baraha, nakasalo ng St. Benilde sa pangunguna ang Letran College at Mapua Institute of Technology, samantalang nahulog naman sa 0-2 ang marka ng Perpetual katulad ng San Beda College at Jose Rizal University.

Sa ikalawang seniors game, isang tip-in ni Gabby Espinas ang nagligtas sa PCU Dolphins, 72-70 laban sa SSC Stags.

Sa juniors division, inilampaso naman ng Dela Salle Greenies ang Altalettes, 109-71. (Ulat ni Rusell Cadayona)

Show comments