UAAP o PBA ?

Kailangang mamili ang mga stars ng University Athletic Association of the Philippines sa pagitan ng kanilang commitment sa paaralan at career bilang professional kung gusto nilang lumahok sa nalalapit na PBA Draft.

Sinabi ni UAAP Season 68 president Fr. Maximo Rendon ng host Adamson na hindi sila puwedeng magrelaks sa estado ng kanilang atleta lalo sa men’s basketball.

"Amendments to rules and regulations are done only in our April board meeting, not anytime in the season," ani Rendon kahapon sa lunch meet-ing na ginanap sa Casa Español sa TM Kalaw.

Hiniling ni PBA Commissioner Noli Eala sa collegiate league na magrelaks sa kanilang batas tungkol sa eligibility para maaaring mag-apply ang mga players sa Draft. Ang huling araw ng pag-papalista ay sa July 15 at ang 2005-2006 PBA Draft ay nakatakda sa August 15.

Ilan sa mga UAAP stars na pinaniniwalaang naghahangad ng Draft ay sina LA Tenorio ng Ateneo at Arwind Santos ng Far Eastern University. Nag-desisyon naman si Mark Cardona ng La Salle na bitiwan na ang huling eligible year niya sa UAAP para sa Draft.

Samantala, inaasa-han nina Rendon at Dr. Ricardo Matibag, ng Adamson at secretary-treasurer ng UAAP, ang blockbuster na unang dalawang araw ng UAAP sa Araneta Coliseum.

Ang liga ay magbubukas sa July 9 kung saan naghanda ang host Falcons ng isang maikling opening ceremony sa ilalim ng temang SOAR (See Our Athletes Rise). Sa July 10 sa Big Dome din, nakatakda ang klasikong showdown sa ganap na alas-4 ng hapon sa pagitan ng defending champion De La Salle at Ateneo.

Show comments