Pumalo ng 19 puntos si Roxanne Pimentel at umispike ng 12 atake habang tatlo pang iba ang umiskor ng double-digit para sa Tigress nang irolyo ang ikalawang sunod na panalo sa double-round phase ng event na ito na hatid ng Shakeys Pizza.
Sa unang frame pa lang nalusutan na ng UST ang Ateneo, ngunit dino-mina ang karibal sa ikalawa at bumangon ang kalaban sa ikatlong set. Ngunit nagpamalas ng katatagan ang Tigress sa pressure sa ikaapat na set tungo sa tagumpay laban sa Katipunan-based spikers.
Ang iba pang umiskor sa UST ay sina Mary Jean Balse, Joyce Pano, at Venus Bernal, na may 15, 11 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.
Sa naunang laban, bumangon ang La Salle mula sa kabiguan sa Ateneo sa pamamagitan ng mabilis na 25-20, 25-15, 25-16 tagumpay kontra sa San Sebastian kahapon at bumalik sa kontensiyon sa semifinal round.
Nagtulung-tulong sina skipper Maureen Pene-trante, Michelle Carolino at Desiree Hernandez sa pinagsamang 36 hits upang banderahan ang Lady Archers, kampeon sa nakaraang taong second conference, sa lopsided na panalo na tumabon sa nakakahiya nilang 25-19, 15-25, 23-25, 17-25 kabiguan sa Lady Eagles noong naka-raang Sabado.
Ang La Salle-San Sebastian match ay ipapalabas ngayong alas-7 ng gabi sa IBC-13.