Dahil diretso na sa semis round ang Phone Pals pagkatapos ng elimi-nations dahil sa kanilang nakuhang awtomatikong semis slot na ipinagka-loob sa top-two teams, nakapag-charge ng husto ang Talk N Text na kani-lang pinakinabangan para kunin ang 1-0 bentahe sa best-of-five semis series.
Sa likod ng kahinaan ni import Jerald Honey-cutt na tumapos lamang ng siyam na puntos, apat na locals ang umangat sa pangunguna nina Jimmy Alapag at Victor Pablo na tumapos ng tig-17 puntos upang pangunahan ang Phone Pals.
Nagsimulang kuma-wala ang Talk N Text sa ikalawang quarter nang kanilang batakin ang 20-15 kalamangan sa first quarter sa 44-31 bentahe pagsapit ng halftime.
Ang pinakamalaking kalamangan ng Phone Pals na may seven game winning streak na laban sa Shell ay 27-puntos sa ikaapat na quarter, 81-54, 8:01 minuto ang nalala-bing oras sa laro.
Dala ng hirap na dina-nas sa wild card kung saan kinailangan ng Shell, seeded No. 9, ng dala-wang panalo laban sa No. 4 na Sta. Lucia na may twice-to-beat advantage at dalawang panalo laban sa Purefoods sa kanilang best-of-three quarterfinal series, hindi na natibag ng Turbo Chargers ang nai-pundar na kalamangan ng Phone Pals.
Ang tanging oposis-yon na nagawa ng Shell ay ibaba sa 17-puntos ang kanilang deficit sa pamamagitan ng 10-0 run, 64-81 bago tuluyang lagukin ang kanilang kabiguan.
Naglalaban naman sa kasalukuyan habang sinusulat ang balitang ito ang Red Bull at San Miguel sa pagsisimula rin ng kanilang sariling best-of-five semifinal series.