Bagamat masyadong abala sa kanyang iskedyul bilang Spring Cooking Oil general manager, nakuha pa rin ng 40 anyos na si Padilla na malusutan ang itinakdang standard set ng National Shooting Association sa rapid fire, center fire at standard pistol upang tanghaling nag-iisang entry ng bansa sa mga naturang events.
Makakasama ni Padilla sa RP team sina Carolino Gonzales (free/air pistol), Emerito Concepcion (air rifle), Susan Aguado (sport pistol), Rachel Marie Capili (womens air rifle) at Josephine Gay Corral at Aimee Gana (womens trap).
Labing-apat pang shooters na kinabibilangan nina Athens Olympian Jethro Dionisio at veterans Eric Ang at Jamie Recio ang kumakampanya pa ng slot para sa trap, skeet at free rifle prone.
Sina Dionisio, Ang at Recio ay umaasam ng upuan sa mens trap kasama sina Jerry Sun, Jose Ramon Corral at Carlos Carag.
Samantala sina Paul Brian Del Rosario, Darius Alexis Hizon at Patricio Bernardo ay naghahangad ng upuan sa skeet habang sina Rocky Pardillo, Edwin Fernandez, Eddie Tomas, Benny Cagurin at Alfonso Antonio Hermoso naman ang umaasinta ng lugar para sa free rifle event.
Ang training ng RP shooters ay magsisimula sa Agosto sa suporta ng kanilang godfather na Basic Holding Corp. ni Bong Tan at Philippine Sports Commission.