Warmup ng mga semifinalists

Muling ibabalik ng defending champion Uni-versity of Santo Tomas ang kanilang rivalry sa La Salle habang makikipag-tagpo naman ang San Sebastian College sa Ateneo sa warmup ng apat na semifinalists para sa susunod na yugto ng penultimate playdate ng elimination round ng 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Coliseum.

Sa pagbabalik ni Joyce Pano, muling sumi-ngasing ang Tigress tungo sa 25-14, 25-17, 25-15, tagumpay laban sa Lady Stags noong Saba-do para sa kanilang ika-anim na panalo sa siyam na pakikipaglaban, na nagpalakas ng kanilang loob para sa kanilang alas-5 ng hapong engku-wentro sa Lady Archers.

Bagamat no-bearing ang laban ng UST at La Salle dahil kumpleto na ang semis cast noong nakaraang linggo pa, karangalan at pride ang paglalabanan ng Tigress at Lady Archers sa kani-lang paghaharap ngayon.

Lahat ng apat, La Salle, UST, San Sebas-tian (6-2) at Ateneo (4-4), ay naghahanda na sa kanilang paglalaro sa semis kung saan dala-wang beses silang mag-tatagpo na ang dalawang pangunahing team ang maglalaban para sa best-of-three title showdown ng event na hatid ng Shakey’s Pizza at supor-tado ng Accel, Mikasa, IBC-13 at Jemah Televi-sion.

Magtatagpo naman ang Lady Eagles at Lady Stags sa alas-3 ng hapon sa torneong inorganisa ng Sports Vision Manage-ment Group, Inc.

Show comments