Gigiyahan ni Black, multi-titled Philippine Basketball Association coach ang Ateneo bench ngayon kapalit ng batang ex-mentor na si Sandy Arespachochaga.
Kabilang din sa mga bagong mukha, bagamat ang ang ilan dito ay umaktong assistants o consultant ng UAAP teams sa nakalipas ay sina-- Mel Alas para sa season host Adamson University, Bert Flores sa Far Eastern Univer-sity (FEU) at comebacking Manny Dandan sa National University (NU).
Kalahati sa field ay pina-natiling intact ang kani-kani-lang koponan kung saan si Franz Pumaren pa rin ang gagabay sa defending cham-pion De La Salle, ang kanyang kapatid na si Dindo Pumaren ay sa University of the East, Lito Vergara sa University of the Philippines at Nel Parado sa University of Santo Tomas.
Dumalo kahapon ang lahat ng coaches sa men, women at juniors kasama ang kani-kanilang assistants at staffs sa briefing at meeting kasama ang comebacking ring com-missioner na si Joe Lipa at head ng officials na si Romy Guevarra.