Ikinonekta ni Earl Barron ang dalawang krusyal na freethrows mula sa foul ni Mark Caguioa upang kumpletuhin ang kanyang 34-puntos na produksiyon na siyang naglagay sa Barakos sa trangko, anim na segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
Walang nangyari sa huling posesyon ng Gin Kings nang madapa si Egay Echavez dahil sa paghahabol nito sa oras na tuluyang nagkaloob sa Red Bull ng panalo para iselyo ang best-of-three sa 2-0 panalo-talo.
Nasayang ang pagsisikap nina Hiram Fuller at Caguioa na tumapos ng 27 at 22 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Ginebra.
Makakalaban ng Barakos ang Alaska na siyang naunang nakapasok sa round-of-eight sa isa na namang best-of-three quarterfinal series na magsisimula sa Miyerkules.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Purefoods at FedEx kung saan hangad ng TJ Hotdogs na sundan ang yapak ng Red Bull matapos mak-una sa Game-One ng kanilang sariling best-of-three wild card series.
Ang mananalo sa Purefoods-FedEx match ay siyang haharap sa win-ning team ng Sta. Lucia at Shell sudden death game na gaganapin ngayon sa Araneta Coliseum.
Kung makakahirit ang Express ng deciding Game-Three, lalaruin din nila ito ngayon. (Ulat ni CVO)