Marami ang nagsasabing sa edad ni Kris na 34 masyadong malaki ang pagitan nila ni James na 23 anyos pa lamang.
Pero ika nga ng marami, age doesnt matter kapag in love ang isang tao.
Ako mismo ay ayaw maniwala nang una itong napabalita. Pero nang aminin ito ni Kris sa kanyang programa, o well, quiet na lang me.
Marami ang nagtatanong ano ba daw ang nagustuhan ni Kris kay James?
O well, para sa akin baka nakita ni Kris kay James ang katangian na gusto niya at halos kawahig ng kanyang unang love na si Alvin Patrimonio. Sa sporting world, marami ang nakakaalam na si Alvin Patrimonio ang unang love ni Kris.
Marami nga ang nagsasabing may pagkakahawig nga si James kay Alvin (hindi sa hitsura kundi sa pag-uugali). Mabait na bata itong si James at totoong tao. Nakasama ko ang batang cager sa Vietnam SEA Games at masasabi kong tunay na mabait at sincere naman itong si James.
Pero ang tanong magpapakasal nga ba itong si Kris kay James?
O well, malayo pa ang kanilang plano at marami pa ang puwedeng mangyari.
Ayon pa sa aking source, anak daw ng isang opisyal ng PNP si Nina na isang medical student.
Saludo ako sa iyo Nina!
Malakas at matatag ka, kunsabagay, hindi lang naman si James ang lalaki no. Kung ayaw niya eh di huwag.
Pero totoo nga kaya ang balitang buntis na ito?