Tumipa si American import Todd Day ng 16 puntos, 5 rebounds at 4 assists para ibigay sa mga Qataris ang 3-0 baraha sa Group B, habang nalasap naman ng mga Syrians, pinamunuan ng 15 marka ni Filipino Anthony Rutland, ang pangatlong dikit nitong kamalasan.
Habang sinusulat ito, nakikipaghamok naman ang Philippine Team-San Miguel sa Iran-Saba Battery kung saan hangad ng tropa ni coach Chot Reyes ang 3-0 karta sa Group A.
Sakaling nanaig ang Nationals sa mga Iranians, haharapin nila sa crossover quarterfinal round ang No. 4 team sa Group B.
Sa unang laro, binigo ng Kuwait Club ang United Arab Emirates-Sarjah, 81-74, sa likod ng kinolektang 25 marka, 9 rebounds at 8 assists ni American reinforcement Chudney Grey.
Taglay ngayon ng Kuwait Club ang 2-2 baraha sa Group B kumpara sa 0-3 grado ng UAE-Sarjah.