Alaska Aces nanalo

Humakot si import Dickey Simpkins ng game-high 30 puntos at 18 rebounds upang tulungan ang Alaska Aces na igupo ang Purefoods TJ Hotdogs 69-60 at palakasin ang kanilang tsansa para sa isang outright semifinals ticket sa 2005 PBA Gran Matador Fiesta Cup kagabi sa Makati Coliseum.

Nasa two-game winning streak ngayon ang Aces sa kanilang 11-7 rekord sa ilalim ng 11-6 kartada ng Talk N Text Phone Pals, samantalang posibleng mahulog sa No. 9 sa wildcard phase ang TJ Hotdogs sa kanilang 7-11 baraha.

Samantala sa pagbabalik aksiyon sa Araneta Coliseum, haharapin ng San Miguel Beer ang FedEx Express sa pambungad na bakbakan ganap na alas-4:45 ng hapon na agad susundan ng bakbakan ng Talk N Text at Ginebra sa tampok na laro sa ganap na alas-7:45 ng gabi.

Show comments