Dito ginanap ang NBA China Games noong Oktubre. Isang taon ang ginugol sa pagplano ng napakalaking kagana-pang iyon. Ngayon, kilala na sa mapa ng sports ang Shanghai.
Ngayon, dito ginaganap ang adidas Superstar Camp, isang linggong pagtitipon at pagsasanay ng magagaling na high school player sa Asya. Kabilang sa mga panauhin sina Kareem Abdul-Jabbar, NBA Slam Dunk champion Josh Smith at Desmond Mason. Ang Superstar Camp ay sinimulan ni Detlef Schrempf sa Europe, at datiy kilala sa bansag na Adidas Basketball Camp and Development o ABCD.
Kabilang sa mga itinuturo ay ang Basketball English. Napa-kahalaga kasi na matutunan ng mga taga-Asya ang pama-maraan ng pagpapaliwanag ng basketbol na maiintindihan nila. Itoy gawa ng chairman ng linguistics department ng isang unibersidad sa Amerika.
Dinagdag din ngayon ang Basketball Psychology, kung saan itinuturo ang mga ugali ng isang basketbolista sa kultura ng Asya.
Sa mga susunod na araw, abangan ang aming mga panayam at ulat mula rito.