UST babawi, La Salle makikisosyo

Tangka ng pinapa-borang La Salle na maki-sosyo sa unahan sa San Sebastian College sa kanilang pakikipagharap sa Far Eastern University sa pagpapatuloy ng 2005 Shakey’s V-League first conference sa Lyceum Gym.

Suportado ng mala-kas na tambalang Michelle Carolino at Maureen Penetrante, sini-mulan ng Lady Archers ang kanilang kampanya sa torneo sa pamama-gitan, 25-18, 25-23, 25-20 pamamayani sa Ateneo Lady Eagles, 25-18, 25-23, 25-20, noong naka-raang Sabado sa Loyola Gym.

Sa kabilang dako, ang University of Santo Tomas na naghahangad na makabangon mula sa 25-10, 21-25, 22-25, 14-25 paninilat ng San Sebas-tian noong opening day, ay makakaharap naman ang mapanganib na Lyceum sa ganap na alas-2 ng hapon pagka-tapos ay agad isusunod ang La Salle-FEU duel sa alas-4 ng hapon.

Kapwa natalo ang Lady Pirates at Lady Tams sa kanilang unang asignatura kung saan tinalo ng Lady Eagles ang una sa iskor na 21-25, 27-29, 25-19, 25-22, 12-15, habang yumuko naman ang huli sa Lady Stags 18-25, 16-25, 25-22, 18-25, sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at supor-tado ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Produc-tion.

Tiyak na muling mang-hahatak ng manonood si Carolino, nagdala sa Taft-based school sa kampeo-nato sa second confe-rence laban sa power-house UST sa huling araw nila sa Intramuros bago bumalik sa Rizal Memorial Coliseum sa Sabado.

Inaasahan din ang kapana-panabik na UST-Lyceum showdown sa mainit nilang pakikipag-bakbakan dahil kapwa naghahangad na maka-pasok ang dalawang koponan sa win column.

Show comments