Walo lahat ang nakasaling eskuwela--PUP, University of Makati, Mapua, Letran, New Era, PLM, CCP at EAC. Mahigpitan ang naging labanan nila dahil puro magagaling nga, and in the end, nanalo ang CCP.
Maganda ang ganitong klase ng competition among schools. Dagsa ang taong nanood at bawat palapag ng Market Market, talagang napuno ng tao.
Naging hosts ng affair sina Asia Agcaoili at Wallace ng Wazz Up Wazz Up. Very lively naman ang dalawang hosts na ito at carry nila yung event.
Tuwang-tuwa ang presidente ng Isuzu Phils. na si Yoshifumi Komura at nandun din lahat ng mga iba pang top execs ng Isuzu.
Congratulations sa Isuzu para sa isang worthy project tulad nito. At congrats na rin sa CCP Bobcats for winning the title worth P100,000.
Bongga!
Si Boysie Zamar pa rin ang coach ng RP team at wala ng iba.
Halos lahat ng sikat, suspendido.
Eh kung bakit naman kasi ngayon lang yan hiningi sa kanila.
Yung iba, kay tagal ng naglalaro sa PBA tapos ngayon lang hihingan ng ganyang requirements.
Ano ba yan?
Kahit paano, may chance pa silang makarating sa next round.
Basta ba pagbutihin na lang nila yung last games nila, may pag-asa pa silang umabot sa pangarap nila.
Hindi masyadong malakas ang line-up ni Lawrence ngayon pero mukhang palaban kaya hindi na ito katulad ng dati niyang team na nangulelat sa PBL.