Kumolekta ang NCR tankers ng walo sa kabu-uang 16 gold medals, tinampukan ng dalawang record-breaking perfor-mance, na inilatag kaha-pon sa swimming event ng 2005 Palarong Pam-bansa dito sa Iloilo Sports Complex.
Naglista ang 15-anyos na si Ryan Arabejo ng bagong 4:08.36 sa secondary boys 400-meter freestyle para basagin ang dating 4:11.79 ni Carlo Piccio ng Western Visayas noong 1998, habang ibinasura naman ng elementary girls team ang luma nilang 2:19.53 noong 1998 para sa mainit na 2:18.27.
Hindi rin nagpaiwan ang CALABARZON nang humugot ng limang ginto, limang pilak at dala-wang tansong medalya kasunod ang Bicol (1-2-3), Western Visayas (1-2-2) at Southern Mindanao (1-1-2).
Sa athletics, naglista ng bagong Palaro record si Sonny Boy Tartana ng NCR sa elementary boys discuss throw nang maghagis ng 36.12m para burahin ang 2003 mark na 36.04m ni Alejandro Lonzaga ng Davao at ibulsa ang ginto.
Sa kabila ng ibinatong 13.40m ni Rey Dennis Bacay ng Western Visayas para sa gold medal sa secondary boys shot put, hindi pa rin ito ikinunsidera bilang kapalit ng 15-year-old record na 13.19m ni Arthur Enon.
"Ang standard weight kasi ng iron ball is 6 kilos. Ang nabili ng DepEd ay 5.44 kilos lang, kaya hindi puwedeng maging new record yong kay Bacay," ani two-time Olym-pian Claro Pellosis, technical official ng athletics.
Ibinigay naman ni Belinda Jimenez ang unang ginto ng MIMAROPA nang pagreynahan ang secondary girls triple jump sa inilistang 11.24m.
Bukod kina Tartana, Bacay at Jimenez, ang iba pang kumuha ng ginto ay sina Michael Angelo Franial ng Central Visayas sa secondary boys triple jump (13.90m) at Ma. Queenie Tudillo ng Western Visayas sa secondary girls javelin throw (33.50m)
Sa gymnastics sa Lega-nes Sports Complex, dala-wang ginto ang sinilo ng NCR mula sa rhythmic secondary girls individual (Maga Wagan) at sa secondary team event kagaya ng CALABARZON sa artistic elementary boys individual (Jomel Monteliano) at sa elementary boys team event.
Sa boxing sa Jaro Plaza Gym, pumasok sa semifinals sa powderweight class sina Victorio Salluat (Davao), Arian Compacion (Western Visayas), Arnold Bueno (Bicol) at Jomarie Yuson (Central Visayas). (Russell Cadayona)