Pati fans naguguluhan

Muling hinihingi ng PBA ang mga dokumento ng mga Fil-foreign cagers na kasalukuyang naglalaro sa PBA Fiesta Cup.

Katunayan, may 20 Fil-foreign players silang pans-mantalang sinuspinde habang hindi pa ito nakakapagbigay ng dokumentong hinihingi sa kanila.

Haaaay, naku! Maraming fans ang naguguluhan at ultimong mga anak at pamangkin ko na mahilig manood ng PBA ay nawawalan na ng ganang manood. Eh kasi ba naman apektado ang mga paborito nilang teams sa desisyon ng PBA.

Eh ano na namang pakulo kaya ito?

Hindi ba’t bago sila nakabalik sa paglalaro noon eh dahil nakapagsumite na sila ng kani-kanilang dokumento, ano’t hinihingi na naman ‘yun?

Nagugulo na ang marami sa ginagawang ito ng PBA kaya hayun, hindi na lang sila manonood.

Sayang, baka hindi magtagal eh tuluyang magkulapso na ang PBA at tumiklop na.

Huwag naman sana.
* * *
Pagkatapos suspindihin, paglalaruin naman sa dual meet kontra sa Australia ang mga Fil-Am players na kabilang sa listahan ng National training pool.

Ano ba talaga tita?

Magulo talaga ang mundo ng basketball.
* * *
Ano naman kaya itong balita ko na suportado naman ni BAP president Tiny Literal ang naging desisyon ni POC president Peping Cojuangco tungkol sa National team.

Magulo talaga.

Kailan lang binawi na ni Jean Henri Lhuillier ang kanilang suporta sa National team. Pero idiniin ni Lhuillier na susupor-tahan niya si Cojuangco. Ibig sabihin, sa BAP lang niya tinang-gal ang kanyang suporta, pero suportado niya ang National team na bubuuin ni National coach Chot Reyes na naatasan ni Cojuangco na mamahala ng national squad.

May isang naiwan na opisyal ng BAP, na nagmamatigas na magpadala ng sariling national team. Ano kaya ang mangyayari.

Sana naman manahimik na lang siya dahil kung talagang Pinoy siya, interest ng bayan ang una sa kanya.

Di ba mga kapatid?

Show comments