Ang RP riders na inayos ang problema sa Philippine Cycling Federation, maliban kay Lloyd Lucien Reynante, ay nakakuha na ng lisensiya noong nakaraang Linggo para sa mahigpitang Korean event na ito. Ang koponan na pamumunuan ng beteranong si Victor Espiritu, kasama sina Merculio Ramos Jr., Ronald Gorantes, Bernard Luzon, Tomas Martinez Jr., at Joel Calderon, ay suportado ng Pagcor Casino Filipino, Vellum, TCL Project, UCPB Gen at Yehey.com.
Makikipaglaban ang mga Pinoy cyclists sa mga mahuhusay na koponan na kinabibilangan ng defending champion na Marco Polo, Great Asia Racing Team ng Taiwan at Shimano Racing Team ng Japan.
Bukod sa mga bigating siklistang makakalaban, nahaharap din sa matinding pagsubok ang mga siklistang Pinoy sa ruta ng karera na kabibilangan ng apat na akyatin kung saan ang pinakamahabang ruta ay ang 170 kilometers mula sa Yang Yang hanggang Won sa Stage 5 sa Mayo 13.