Ang dating kulelat na Realtors ay nasa ikapitong puwesto na ngayon matapos iahon ang kartada sa 5-6 kahit na hindi pa rin nakalaro si Marlou Aquino dahil sa injury sa kamay na dahilan ng patuloy nitong pagkawala sa aksiyon ng mahigit na apat na linggo pa.
Sa pangunguna ni Tolomia na umiskor ng 11 sa kanyang 22 puntos sa ikalawang quarter, sumulong sa 27-puntos na kalamangan ang Sta. Lucia, 40-13 at naubos ang lakas ng Barakos sa paghahabol na sapat lamang para makalapit ng hanggang apat na puntos, 83-87 papasok sa mahigit isang minuto na lamang ng labanan.
Samantala, dalawang bagong import ang isasalang sa nakatakdang double header sa PBA Road game sa Bataan Peoples Center sa Balanga.
Sa labanan ng league leader at cellar dwelling teams, isasalang ng nangungulelat na Coca-Cola ang balik-PBA import na si Mark Sanford sa pakikipagharap sa no. 1 team na San Miguel sa alas-6:35 ng gabi bilang tampok na laro.
Bagitong reinforcement naman ang ipaparada ng Shell na si Melvin Robinson sa pakikipagharap sa dumadausdos ng Purefoods sa pambungad na laro sa alas-4:00 ng hapon.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Talk N Text (5-4) at FedEx (4-5). (Ulat ni CVOchoa)