Umibabaw sina National players Franco Teves, Daniel Pedro at Aristotle Lucero sa kani-kanilang weight categories upang ibigay sa Zamboanga ang ginto na nanalo rin ng dalawang silvers at limang bronzes sa panimula ng tatlong araw na tournament na magsisilbing qualifying event para sa nalalpit na Southeast Asian Games.
Ginapi ni Teves, bronze me-dalist sa 2003 Vietnam SEA Games ang kapwa niya national na si Oliver Franco sa final ng mens 55kg-below category.
Namayani naman si Pedro, Vietnam SEAG bronze winner, kay Jones Lanuza sa mens 60kg class. Sina Dempsey Depayso at Ricky Palancos ang nag-bronze.
Ang ikatlong gold ng Zam-boanga ay mula sa mens 66kgs class na ibinigay ni Lucero, Viet-nam SEAG silver medalist at ang mga bronzes ay napunta kina Samson Bernales ng Dela Salle University at Randy Gambong ng Davao.
Ang iba pang RP team mem-bers na nakakuha ng ginto ay sina Gilbert Ramirez na nanguna sa mens 73kg class; Esli Gay Liwanen, na nagdomina sa wo-mens 63kg; Solomon, na nagwagi naman sa womens 70kg at Ruth Dugaduga (womens 78kgs).
Isinubi naman ni Alien Relampagos ang gold sa mens 100kg-and-above category.