Nakatakdang ipormalisa ng PHILSOC sa pangunguna ni chairman Obet Pagdanganan ang sponsorship ng Globe Telecoms, Smart Com-munications at Lucio Tan Group of Companies sa Miyerkules.
"We will be signing the contract with Globe on Wednesday and after that, the rest of the major sponsors will follow," wika ni Pagdanganan sa Philippine Press Institute (PPI) Forum na ginanap sa Manila Diamond Hotel sa Roxas Boulevard kahapon.
Patungo sa huling pitong buwan bago itanghal ang biennial meet na nakatakda sa November 27 hanggang December 5, ang sponsorship ng tatlong kumpanyang ito pa lamang ang nakakalap ng PHILSOC para sa ikat-long pagho-host ng bansa ng SEA Games.
Tinatayang P800 milyon hanggang P1 bilyon ang kakailanganin upang maging matagumpay ang pagdaraos ng bansa ng biennial meet na huling ginanap dito sa bansa noong 1991.
Ayon kay PHILSOC vice-chairman at Philippine Olympic Committee president Jose Peping Cojuangco Jr. na may P1 milyon nang nakuha mula sa isang pasabong ng kanyang mga kaibigan sa Araneta Coliseum.Inihayag din ni Pagdanganan ang posibilidad na maipalabas ang SEA Games sa North America, Latin America at Australia.
Isang Australian-based Global company ang kasalukuyang ka-negosasyon ng PHILSOC upang magkaroon ng kaganapan ito.
"For the first time, the Games maybe seen in North America, Autralia and some parts of Latin America through pay-per-view," ani Pagdanganan.