Tagal naman.
Sana, noon pa nagtulungan. Sana, sa simula pa lang ay nagpakita ng malasakit ang mga kinauukulan. Sana, may kaunting pagkapino sa pananalita. At sa tutoo lang, walang artistang naglaro sa torneo ng NBC noong nakaraang linggo.
Mabibigyan ng pagkakataon si Zamar na patibayin ang bagong sistema na itinuro ni Chot Reyes. Ang mabuting nangyari, bagamat nagulangan sila ng Parañaque Jets na pawang mga ex-pro, ay nalaman nila kung sino sa kanilang mga player ang matibay ang dibdib, at kung sino ang dinadaga.
Wala akong dudang kakayanin natin ang pakay na pumasok sa ikalawang puwesto man lang sa SEABA. Kaila-ngan na lamang lumantad ang mga nais maging lider sa RP Cebuana Lhuillier. Tandaan nating nawala ang team captain na si Ricky Calimag (Sta. Lucia Realty), at ang starting point guard na si Egay Echavez (Barangay Ginebra). Wala pang nagpapakitang gustong pumalit sa dalawa.
Sa mga nakakaintindi ng basketbol, mas matimbang sa ngayon ang SEABA sa Singapore sa Hunyo. Iyon ang mag-bubukas ng pinto para sa kanilang mga katapat sa PBA. Malayo-layo pa ang SEA Games, at halos pareho naman ang makakalaban nila doon.
Sana naman tumahimik na ang mga hindi rin tutulong. At sana naman, magtanong muna ang mga bumabatikos. Mahirap bawiin ang panlalait na bunga ng pagkakamall.