Hindi lamang ang mga kalalakihan kundi pati na rin yung mga kababaihan na talagang tutok na tutok sa panonood sa labanan ng mga mahuhusay na volleyball players ng collegiate teams.
Sa Mayo 14, sasambulat na uli ito at siyempre tiyak na pinaghandaan ng husto ng organizing Sports Vision Management Group Inc. ang naturang torneo na ito.
So wait na lang kayo at sa mga susunod na linggo tiyak na magkakaroon ng final statement ang SVMGI tungkol dito.
Kung sinu-sino ang collegiate teams na sasali ay tiyak na hinihintay ng marami lalung-lalo na ang kani-kanilang players.
So para doon sa readers natin lalo na kay Ms. Mayet Delgado, abangan mo na ha at malapit na rin tayong magkita?
Marami na ring international exposures na pinuntahan ang ilang atleta.
Isa na rito ang Philippine taekwondo team natin na sumali sa World Championships sa Spain.
Nakapanlulumo ang sinapit ng ating Pinoy jins sa kanilang kampanya dito dahil wala man lang nakarating sa medal bout.
But then magandang exposures ito sa ating jins dahil malaki ang naitulong ng torneong ito sa kanila.
May magandang kinabukasan ang mga jins ika nga.
Siyempre world championships yung sinalihan nila no. Yun ang olympics ng taekwondo kaya ang experience na iuuwi nila dito ay iba at malaki ang magagawa.
Matagal-tagal na rin ang panahon na inaalat ang Pinoy boxers sa SEA Games, kaya siguro naman marami silang natutunan sa mga naging masaklap nilang kabiguan sa mga nagdaang torneo.
Isa kasi ang boxing, bukod sa taekwondo ang mga sinasa-bing magsusukbit ng maraming gold para sa kampanyang overall championship ng ating bansa sa biennial games ngayong taon.
Sana nga dahil malaki ang inaasahan at tiwala ng ating mga kababayan sa kakayahan ng ating mga boksingero at taekwondo jins.