Pinaghalong kabataan at karanasan ang bumuo sa lineup ng Filipinos na babanderahan nina Olym-pians Antoniette Rivero at Tshomlee Go kung saan asam nila na malampasan kung hindi man ay maduplika ang best finish ng bansa sa nasabing meet noong 1995.
Matapos ang 10-taong pagho-host ng bansa sa nasabing tournament kung saan nakasubi sila ng dalawang silver medals mula sa retirado ng si Roberto Cruz.
Mapapasabak ang 17-anyos na si Rivero sa Ukrainian na kalaban ngayon sa preliminaries ng womens lightweight 63kgs. under-class.
Sina Go at ang Viet-nam Southeast Asian Games gold winner na si Dax Morfe ay nakatak-dang magpakita ng aksiyon sa Huwebes.
Ang iba pang miyem-bro ng koponan na suportado ng Petron, First Gentleman Foundation at Philippine Sports Commission (PSC) ay sina Loraine Lorelie Catalan, Aphrodite Bril-lantes, Kathleen Eunice Alora, Manuel Rivero, Carlos Jose Padilla V, Ernesto Juan Mendoza at Alexander Briones na nakatakdang sumabak sa aksiyon sa Biyernes.