Pero habang naghihintay sila, puwede na ring pagtiyagaan na muna si Eddie Elisma. Tutal maganda naman ang record ng Gin Kings na nakapagtala ng apat na panalo sa unang anim na laro.
Sa umpisa ng PBA Fiesta Cup ay maraming nadismaya nang makalasap ng pagkatalo ang Gin Kings sa Red Bull Barako. Saleng-kwang kaagad ang kampanya ng tropa ni coach Bethune Tanquing-cen. Pero nakabawi naman sila.
Kahit paanoy naiintindihan ng karamihan na mahirap din namang i-motivate ang isang team lalot galing na ito sa dalawang sunod na kampeonato. Kumbagay nagdiriwang pa rin ang kanilang kaisipan.
Sa tutoo lang, hindi naman si Elisma lang ang medyo masama ang performance sa unang game nila. Ang mga locals ay nagbaba-kasyon pa at para bang hindi nila nare-realize na panibagong torneo na ang kanilang nilalaruan.
So, maganda na rin ang pagkatalong iyon sa kanilang unang game dahil sa nagising sila sa katotohanang tapos na ang Philippine Cup.
So, magtatagal pa muna si Elisma bilang import ng Gin Kings. Kung sabagay, matagal pa rin naman ang classification round ng Fiesta Cup. May 12 games pang nalalabi ang Gin Kings. Wala namang ma-e-eliminate. Hinahabol lang naman ng bawat koponan na makasama sa Top Four para may twice-to-beat advantage sa susunod na round. Kung Top Two naman ang kalalagyan ng isang team ay automatic semifinalists na ang mga ito.
Habang nandito si Elisma, natural na ang hangad ni Tanquingcen ay umangat na muli ang laro ng mga locals. Ang sistey tanging si Mark Caguioa ang consistent para sa kanila. Si Eric Menk ay nangangapa pa. Si Rodney Santos ay hindi kasing init ng dati. Si Sunday Salvacion ay nanlamlam. Si Rommel Adducul at Andy Seigle ay naapektuhan ng pangyayaring ang kanilang pusisyon ang kinukuha ng import.
Ito ang mga suliraning kailangang ma-solve ni Tanquingcen. pero hindi pa nga siya bothered sa kasalukuyan dahil nakakapamagyagpag pa naman sila kahit paano.
Iyon ang nakakatakot!
Biruin mong hindi 100 percent ang performance ng Gin Kings pero nandoon sila sa itaas ng standings! Paano pa kung sabay-sabay na pumutok ang locals?
Ito ang tinatawag na "peaking at the right time."
Hindi nasusunog ang locals ng Gin Kings, hindi nangungulet ang kanilang koponan. So balanseng-balanse lang ang sitwasyon. Kumbagay alam ng lahat na sa tamang panahon ay magde-deliver ang inaasahan ni Tanquingcen.
At kapag naging available na si Braggs at nakumpleto na ang unit na gusto ni Tanquingcen, mahirap nang pigilan ang Gin Kings sa misyong "three-peat!"