Nilimita ng Taguig cagers ang Spring, 29-13 sa final quarter upang burahin ang 12-point deficit sa bungad pa lamang ng unang yugto.
Naging mainit agad ang Insurers ni Bacoor Vice Mayor Edwin Malvar sa simula ng labanan nang kunin ang 23-15 kalamangan laban sa Jets na ipinarada ang ex-pro na si Bong Alvarez.
Subalit nagsanib ang lakas nina Alex Bognot, Jhayson Alminario at Larry Rodrguez na siyang sinandalan ng Jets sa kanilang pag-ahon at kunin ang 39-37 pangunguna sa halftime bago umabante rin sila sa 58-54 sa huling minuto ng maiinit na laro.