Tinalo ng reigning NCAA champion na PCU ang Letran, 21-17 upang magtapos bilang No.1 team ng womens division sa two-day elimination round nakuha naman ng Far Eastern ang No. 2 nang kanilang igupo ang Adamson, 21-14; at No. 3 ang St. Benilde na nanaig sa kanilang sister team na La Salle, 22-20.
Kasama nilang umu-sad sa semifinals at finals na gaganapin sa Boracay sa May 5-7 ang No.5 University of Baguio, na nanalo sa Ateneo, 21-19.
Nilalaro pa ang mens quarterfinal habang sinu-sulat ang balitang ito kung saan maglalaban ang No.1 St. Benilde vs No.8 Lyceum, No.2 Adamson vs No.7 La Salle, No.3 FEU vs No.6 UP Los Baños at No.4 PATTS Aeronautical School vs No.5 St. Francis of Assisi.
Magkakaroon ng break ngayong araw at magpapatuloy ang aksi-yon bukas para sa Visa-yas elimination at ang Mindanao elimination sa susunod na Linggo. (CVOchoa)