NCAA champs nagparamdam

Mabilis na nagparamdam ang reigning champions sa NCAA sa panimula ng 9th Nestea Beach Volley Luzon eliminations sa sandcourt ng La Salle Greenhills.

Mainit ang pasimula ng St. Benilde, men’s NCAA champion, nang daigin ang Lyceum, 21-14, habang ang PCU-Manila, ang women’s NCAA champion, ay ginapi ang PATTS Aeronautical School, 21-10.

Ang opening day ng taunang event na ipiniprisinta ng Nestea ay senyales ng bakbakan para sa supremidad sa beach volleyball sa pagitan ng 72 teams mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang Luzon eliminations ay tatagal ng dalawang araw na ang apat na pangunahing koponan sa men’s at women’s ay uusad sa semis at grand finals sa Boracay sa Mayo 5-7.

Ang mga nagwagi sa men’s division ay ang San Sebastian College-Cavite laban sa La Salle, 21-16; UP kontra sa University of Cordilleras, 21-14; at FEU laban sa Ateneo, 21-9.

Sa women’s side, umiskor ng panalo ang St. Benilde sa Lyceum, 21-12; Adamson vs San Sebastian College-Cavite, 21-15; University of Baguio kontra sa St. Louis University, 21-5; Ateneo laban sa Letran, 21-15; FEU vs St. Jude College, 21-11 at La Salle laban sa UP, 21-10.

Show comments