PBL Unity Cup di-dribol

Tampok sa nakatakdang dalawang umaatikabong pares ng salpukan ang pagdalo ng Filipino boxing icon na kamakailan lamang ay napasabak sa isang blockbuster pay-per-view showdown sa Las Vegas sa pagbubukas ngayon ng 2005 PBL Unity Cup sa Makati Coliseum.

Pagtutulungan ng mga mahusay na guard na sina Mark Cardona at ang bagong ka-partner na si LA Tenorio na matabunan ang tikas ng duo nina Alex Compton at Jondan Salvador sa pagsalang ng Harbour Centre, ang pinakabagong miyembro ng liga kontra sa Montaña Pawnshop sa pinakaabangang laro.

Maghaharap ang Jewels, na magtatangkang maisubi ang back-to-back titles matapos na manalo sa Open Cham-pionship may dalawang buwan na ang nakakalipas, ang Port Masters, ang koponan na binuo ng pinagsamang puwersa ng mga manlalaro ng mahigpit na makaribal sa collegiate--Ateneo at La Salle sa alas-4 ng hapon kung saan walang itulak kabigin sa dalawang koponan.

Mauuna rito, magsa-sagupa ang Granny Goose Kornets at Bac-chus Energy Drink sa alas-2 ng hapon.

Pero ang isa sa pinaka-highlight ng laro ay ang maikling opening rites ng 2004-2005 season-ending tournament na pangungunahan ni Com-missioner Chino Trinidad at ang pagbibigay ng parangal kay Manny Pacquiao sa ala-1 ng hapon.

Inimbitahan din ang movie stars na sina Aleck Bovick at April Tolentino na magpe-perform ng sexy dance numbers, gayundin ang Solid Gold Dancers at Montserrat singers.

Show comments