Matapos manaig sa scoring spree ng laban sa bagong saltang si Bakari Hendrix sa kanyang debut game sa Coca-Cola kamakalawa para sa 109-96 panalo ng Turbo Chargers, makakatapat naman ngayon ni Wilson ang bigating import ng San Miguel na si Chris Burgess sa alas-4:45 ng hapong laro.
Sa pinakamagandang performance na ipina-malas ni Wilson sa PBA kung saan hawak niya ang conference best na 34.4 scoring average at 17.4 rebounds, nagtala ito ng 46-puntos at 16 rebounds sa nakaraang panalo ng Turbo Chargers.
Bagamat nagpasiklab si Hendrix na pumalit kay Jaja Richards, sa pagta-tala ng 43-puntos at 13 rebounds, nalasap ng Tigers ang ikaapat na sunod na talo sa limang laro dahil sa kakulangan ng suporta sa mga locals.
Dito nakakalamang si Wilson at umaasa si coach Leo Austria na mamimintina ng kanyang import ang intensidad ng kanyang laro dulot na rin nang pangambang ma-papalitan ito dahil sa presensiya ng standby import na si Jamal Wat-kins, at patuloy na pagsu-porta ng mga locals.
Taglay ng Turbo Chargers ang 3-2 win-loss record sa likod ng 4-1 panalo-talo ng Beermen na pinantayan ng Pure-foods matapos ang 92-87 panalo sa Ginebra para makisalo sa liderato.
Sa ikalawang laro, magsasagupa naman ang Red Bull at ang Sta. Lucia Realty na magpa-parada ng kanilang bagong import na si Kevin Freeman sa alas-7:35 ng gabing sagupaan.
Umaasa ang Realtors na higit na mas malaki ang maitutulong ni Free-man, naging import ng nagdisbandang Tanduay Gold Rhum noong 2001, kapalit ni Raheim Brown, para makaahon sa pag-kakasadlak sa 1-4 karta na kulelat sa kasaluku-yan.
Makakatapat nito si Dalron Johnson ng Bara-kos na nag-iingat naman ng 2-2 kartada.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text (2-1) at Alaska (1-3) sa Cagayan De Oro City. (Ulat ni CVOchoa)