Tumapos ng career-tying performance si Yap sa pagtatala ng 24-pun-tos, 10 nito ay sa ikaapat na quarter bukod pa sa kanyang 3 rebounds at 2-steals, upang pamunuan ang TJ Hotdogs sa pag--sulong sa ikatlong sunod na panalo, ikaapat sa limang laro upang saluhan ang walang larong sister team na San Miguel Beer sa pangkalahatang pamumuno.
Kasunod nito ang 19-puntos na produksiyon ni Antonio Smith bukod pa sa kanyang 10-rebounds habang tumapos naman si Espinosa ng 10-puntos ngunit ang kanyang tres na tumapos sa kanyang 14-sunod na pagmimintis sa kumperensiyang ito ang naging susi sa tagumpay ng TJ Hotdogs.
Nasa panganib pa ang TJ Hotdogs, 88-87 papasok sa huling 40 segundo ng labanan nang pumukol si Espinosa, ngayon lamang nakabalik sa PBA matapos mawala noong 1995, na naglayo ng iskor sa 91-87. 13.9 segundo na lamang.
Kasunod nito ay ang pagmimintis sa tres ni Aris Dimaunahan at nakahugot naman ng foul si Yap mula kay Salvacion para sa split shot na sumiguro ng panalo ng TJ Hotdogs para ipalasap sa Ginebra ang ikalawang talo sa apat na laro.
Samantala, ipaparada naman ng Alaska at Talk N Text ang kani-kanilang mga bagong imports sa pagbisita ng PBA sa Cagayan de Oro City.
Sa alas-6:30 ng gabing sagupaan, isasalang ng Aces ang NBA veteran na si Dickey Simpkins habang si Noel Felix naman ang sa Phone Pals.
Pinalitan ng 69 na si Simpkins, gumugol ng anim sa kanyang walong taon sa NBA sa Chicago Bulls, si Leon Derricks habang pansamantalang kinuha ng Talk N Text si Noel matapos magka-injury si Earl Ike.
Taglay ng Aces ang 1-3 record habang ang Phone Pals ay may 2-1 kartada.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Coca-Cola (1-3) at ang Shell (2-2) bilang main game kagabi sa Araneta Coliseum. (Ulat ni Carmela Ochoa)