Si Torres, miyembro ng National juniors pool ay naghandog ng gintong medalya para sa koponan ni Mayor Lito Atienza nang manguna ito sa under-18 1,600M massed start (2:11.99) at 3,000 meters individual pursuit sa event na co-presented ng First Gentleman Foundation ni Atty. Jose Miguel Arroyo at Air21 (Sagot Ko, Padala Mo!) at Tour Pilipinas Inc.
Nagbida naman si Marites Bitbit sa womens 1,600M massed start (2:50.33), Enrique Domingo sa mens 1,600M massed start (2:10.39), at Gerardo Amar sa nasabing karera sa Veterans category (2:31.80). Nagwagi na-man si Ricardo Maala sa Executives class (2:23.50) nang bumandera ang Elixir sa team competition.
Umani rin si Joeffrey Talaver ng gintong medalya para sa MayniLA nang angkinin nito ang first gold medal sa Elite mens 1,600M massed start.
Sumungkit din ng dalawang gintong medalya ang Puerto Prin-cesa City ni Mayor Edward Hagedorn mula naman kina Santy Bar-nachea, 2002 Tour of Calabarzon winner, sa 10-km Elite mens points race (25 points) at Virgilio Valenzuela sa Masters 1,600M massed start (2:21.94).
Ang dating miyembro ng Na-tional team na si Alfie Catalan, ang nanguna sa Elite mens 4,000M individual pursuit para sa Team Wescor sa kabuuang oras na 5:21.00.
Mismong si PhilCycling president Bert Lina, ang nagdeklara ng pagbubukas ng Velo Challenge sa opening ceremonies ng event na nilahukan din ng mga inampon na koponan ng Tagaytay Interna-tional Convention Center ni Mayor Abraham Tolentino at Quezon City ni Mayor Sonny Belmonte na suportado ng PAGCOR sa pakiki-pagtulungan din ng PSC, POC, Isuzu D-Max (Philippines No. 1 Pickup), Sharp Phils., San Miguel Corp., dzSR Sports Radio, Vittoria Tires, 93.9 iFM, RMN dzXL 558, Davids Salon at Intrasports.
Ang Velo Challenge ay 10-race day competition na hindi la-mang nagbabalik sa track cycling sa bansa kundi bahagi ng pag-hahanda ng pambato ng bansa sa 23rd SEA Games. Magbabalik ang karera sa ganap na alas- 8:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Martes. Ang iba pang racing dates ay sa April 2, 7, 12, 14, 19 at 26; at May 3 at 7.