Sa nakaraang tatlong laro ng Shell sa kasalukuyang eliminations ng PBA Fiesta Conference, magandang numero ang kanyang ibinibigay para sa Turbo Chargers na ngayon ay naka-back-to-back na panalo na para makasama sa four-way tie sa 2-1 record kasama ang walang larong San Miguel, Red Bull at Purefoods sa likod ng Talk N Text na siyang tanging koponan na wala pang talo sa torneong ito taglay ang 2-0 kartada.
Sa nakaraang 100-84 panalo ng Turbo Chargers laban sa FedEx kamakalawa sa Ynares Center sa Antipolo City, tumapos ang 611 na si Wilson ng impresibong 20-20 performance sa kanyang 28-points at 20-rebounds.
Kaya naman inaasahang muling hahataw ngayon si Wilson sa paki-kipagharap ng Shell sa wala pang panalong Alaska sa alas-4:45 ng hapong laban bilang opening game sa Cuneta Astrodome ngayon.
Patuloy na magtitiyaga ang Aces na bokya sa tatlong asignatura sanhi ng kanilang pangungulelat, sa mahinang si Leon Derricks habang di pa dumarating ang kanilang replacement import.
Sa ikalawang laro, magku-krus naman ang landas ng magkapatid na koponang Coca-Cola (1-2) at Ginebra (1-1) sa alas-7:35 ng gabi kung saan magpapasiklaban sina Jaja Richards ng Tigers at Eddie Elisma ng Gin Kings.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang San Miguel Beer at Sta. Lucia Realty sa ikalawang provincial game na ginanap sa Ormoc City.
Samantala, ang out-of-town game na unang naka-schedule sa Davao City sa Sabado ay inilipat sa Balanga, Bataan kung saan magsasagupa ang Red Bull at Purefoods sa Bataan Peoples Center sa alas-6:15 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)