Base sa ulat ng US-based Pinoy journalist na si Winchell Campos sa website ni Pacquiao, hindi na halos pinabihis ng mga nananabik na mediaman ang Pinoy idol nang simulan nila itong tanungin at kuhanan ng larawan sa pagbaba pa lamang ni Pacman sa kanyang SUV. At walang kurap ding sinagot ng makaris-mang Peoples champion ang mga katanungan na walang tulong ng inter-preter.
Ang mga manunulat sa ibat ibang national dailies at pinagpipitagang boxing writers ay ipinakita kung gaano ka-popular si Pacquiao sa Amerika sa paghihintay sa kanya para magtanong. Maging ang mga manunulat sa Latino community at Pinoy press ay naroroon din.
"I never thought that Pacquiao was this good. I saw his previous fight with (Juan Manuel) Mar-quez and he is not the one-dimensional fighter that many writers claim," anang isang Latino writer, na ayaw ipalabas ang kanyang pangalan. "It is going to be a war when he meets Morales," dag-dag pa niya.
Dinumog ng media ang pakikipag-ispar ni Pacquiao kay Jose Sta. Cruz at kay Raymundo Beltran at nasaksihan kung papaano nito dino-mina ang kanyang spar-ring partners. Sa huling round, hinayaan niyang ibigay todo ni Beltran ang kanyang suntok sa kanya hanggang sa matapos ang round na humatak ng paghanga at paniniwa-lang naaabot na ng Pinoy ang kanyang peak form.
Hiniling ng trainer na si Freddie Roach na huwag i-tape o kunan ng letrato na may flash bulbs ngunit ipinakita ni Pacquiao ang kanyang kahandaan na sapat na para sa media-men.
Gayunpaman, sinabi ni Pacquiao na kailangan pa rin niya ng konting ad-justments upang maka-galaw siya ng mas relaks dahil pakiramdam niya ay tensiyonado pa ito.
"I am expected to log in at least 160 rounds of sparring until we close camp on Monday and this fight will be the hardest that I have ever prepared for," ani Pacquiao, na sa ngayon ay may timbang na 129, isang librang kulang sa limit. (Ulat ni DMVillena)