Nagpakawala ng malulutong na kombinasyon si Pelonia sa ulo at sa katawan ng South Korea-based Mongolian, na nagpasiya sa mga manonood sa Mandaluyong City gym.
Nakipagpalitan ng solidong suntok ang kalaban sa sumunod na round pero mas tumapang si Pelonia at isa pang sugat sa kaliwang kilay ni Kim ang binuksan sa kaagahan ng 8th round.
At dahil sa pamumula ni Kim lalong nakita ni Pelonia ang target at lalong pinalakas ang atake nang ipagitil ni referee Bruce McTavish ang laban at tinawag ang ring physician para i-check ang dumu-dugong sugat ng Mongolian.
Samantala, kinapos sa tibay at katatagan si Sukarno Master Showman Banjao at yumuko ito kay Yura Dima.
Kontrolado ng Pinoy WBF International flyweight champion sa kanilang 10-round flyweight encounter nang rapiduhin ni Dima ng solidong suntok sa katawan si Banjao at bumagsak sa lona.
Nakiagaw din ng eksena si Baby Lorona Jr. sa gabi ng laban na itinataguyod ng More, Fortune, Mark, Café Puro, Family Rubbing Alcohol at Jemah Television president Marc Roces makaraang pigilan si Joebar Damosmog at angkinin ang Philippine Boxing Federation (PBF) junior lightweight title.
Pinigil naman ni World-rated Juanito Rubillar si Flash Simbajon sa eighth round ng kanilang lightweight encounter habang halos hindi pinagpa-wisan si Rey Labao sa kanyang first round demolition kay Ferdie Zagado sa 126-lbs limit.