PBL Draft ngayon sa Makati Coliseum

Idaraos ngayon ang Philip-pine Basketball League Draft para sa 2005 Unity Cup sa Makati Coliseum.

May kabuuang 70 players ang nagpalista para ma-draft at umaasang matutupad ang pangarap na makapaglaro sa pangunahing amateur league sa bansa.

Limang Fil-foreigners din ang nagpalista at umaasang makakalaro sa nalalapit na torneong nakatakda sa Abril 2. ang draft ay nakatakda sa ganap na alas-2 ng hapon.

Samantala, inihayag ng Magnolia Dairy Ice Cream na ang kanilang direct hire na Fil-foreigner para sa Unity Cup ay si Ramsey Williams. Umaasa ang Wizards na mapapanatili nila ang titulong napagwagian laban sa Welcoat Paints noong nakaraang taon.

Ang liga na nasa ika-23rd season na ay patuloy na isasa-ere sa Studio 23 ng live.

Show comments