Ex-Ginebra player ihaharap sa korte

LAS VEGAS--Bagamat magkaiba ang testimonya ng dalawang saksi at pahayag na self-defense, inatasan ng Hukom ang dating PBA star na humarap sa trial dahil sa kasong pagpatay sa isang lalaki noong Nobyembre.

Sinabi ng awtoridad na sinaksak ni Distrito, defensive player sa PBA sa loob ng 15 taon si Juan Amaya hanggang sa mamatay ito sa isang rambulan may ilang bloke lamang ang layo sa Las Vegas Strip.

Ayon naman sa abogado ni Distrito na si Robert Langford na ang nangyari noong Nobyembre 24 ay isang self-defense lamang.

Si Distrito ay nakulong sapul nang sumuko ito sa awtoridad noong Disyembre at nakatakda ang arraignment sa Marso 21 sa Clark County District Court.

Show comments