Masusukat ang galing ng mga bagong saltang sina Anthony Miller ng FedEx, Dalron Johnson ng Red Bull at Antonio Smith ng Purefoods kasama ang balik PBA-import na si Eddie Elisma ng Barangay Ginebra sa dalawang sultadang nakatakda sa Araneta Coliseum.
Sina Earl Ike ng Talk N Text at Wesley Wilson ng Shell Velocity naman ang magpapasiklab sa kauna-unahang overseas game ng PBA na gaganapin sa Britama Arena Sports Mall sa Jakarta sa alas-6:30 ng gabi.
Makakatapat ng dating Purefoods import na si Elisma ang 6-foot-9 import ng Philippine Cup champion na Ginebra, ang bagong mukhang si Johnson, may taas na 610 na inaasahang bibi-bit sa Barakos sa alas-6:30 ng gabing sagupaan bilang main game sa Araneta Coliseum.
Mauuna rito, magkakasukatan naman ng galing sina Smith at Miller sa pambungad na laban sa ganap na alas-4:10 ng hapon.
Sa apat na imports na nasilayan noong opening day ng ikalawang kumperensiyang ito ng 2004-2005 season ng PBA, tanging ang San Miguel import lamang na si Chris Burgess ang may magan-dang ipinakita.
Nasapawan naman ng husto si Alaska import Leon Derricks ni Burgess na naging susi sa 82-73 panalo ng Beermen laban sa Aces sa kanyang 20-20 performance matapos humakot ng 22-puntos at 22 rebounds.
Matapos ang masaklap na kabiguan, isa pang dagok ang natikman ng Alaska team nang madiskubre nilang nilooban ang kanilang locker room pagkatapos ng laro kung saan nanakaw ang ilang cellphones at wallet ng ilang players. (Ulat ni CVOchoa)