Ngunit iyon lamang ang simula at hindi pa nila nakikita ang higit na magandang laro.
Para muling maitakda ang rematch sa pagitan ng defending champion University of Santo Tomas at mahigpit nilang karibal na La Salle, tiyak na didispatsahin agad nila ang kani-kanilang kalaban para maipuwersa ang pinakahihintay na sagupaan ng mga fans--mula sa simpleng manonood hanggang sa masugid na tagasubaybay--at muling mapuno ang lugar na pagdarausan ng mainit na aksiyon sa liga na hatid ng Shakeys Pizza.
"Sa dami ng tao na nanood noong Huwebes, siguradong mas marami pa ang manonood kung sakaling UST at La Salle nga ang magkita sa finals," ani Jun Bernardino, presidente ng organizing Sports Vision Management Group, Inc. (SVMGI).
"But of course, its not yet over because we expect PSC and Letran to come back strong," dagdag pa ni Bernardino.
At totoo, napuno ng fans ang upper at lower box at umapaw naman ang gallery section sa kauna-unahang pagkakataon sa kumprensiyang ito, na karamihan ay nasiyahan na mapanood ang Tigress at Lady Archers na talunin ang kani-kanilang mahigpit na karibal.
"Believe me, after this season, womens volleyball would have gone a long way. Before, only a handful of people watch the games but lately, even on Sundays, we now have a pretty good crowd, especially when La Salle and UST play," anaman ni SVMGI chair Mauricio "Moying" Martelino.