Idinagdag ni Francisco na nagkakamali ang PBA kung ang akala nilay napigil ng kanilang isinumiteng motion for reconsideration ang pagiging enforceable ng writ of preliminary mandatory injunction na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court.
Ayon pa kay Francisco, mapipilitan siyang gumawa ng legal action para sa contempt of court proceeding kung pipigilan si Taulava na makapaglaro sa pagbubukas ng best-of-seven series ngayon.
Sinabi din ni Francisco na hindi rin puwedeng ipataw ng PBA kay Taulava ang bagong eligibility requirements para sa reinstatement ng isang half-Filipino player dahil aniyay hindi na bagong manlalaro si Taulava at ayon sa abogado, napatunayan na ng kanyang kliyente ang kanyang eligibility. (Ulat ni CVO)