At ang isa sa pinakamaha-lagang estratehiya na inimplementa ng PSC sa ilalim ng liderato ni Buhain ay ang pag-bigkis ng budget sa paghagilap ng assistance at pakikipag-kooperasyon mula sa mga pribadong sektor.
Pinalawig rin ng PSC ang kanilang pakikipagtambal sa mga private sector para sa benepisyo ng national athletes at pagpapatuloy ng imple-mentasyon ng scholarship at educational program, buwa-nang pagbabahagi ng multivitamins, pagbibigay ng prebilehiyong diskuwento sa pamasahe sa lupa, dagat at himpapawid, libreng paggamit ng top-of-the-line gym facilities at ang pagtatag ng housing program gayundin sa fund-raising project na tinawag na Piso Para sa Atleta.
Inilunsad din ng PSC nga-yong taon ang Go for Gold Medal in Athens Go GMA! Project na layuning palakasin ang morale boost ng bansa sa kanilang kampanya sa 2004 Athens Olympic Games.
"While we completed a medalless finish in Athens, Filipino athletes made the country proud by giving out their best with heart-breaking and never-say-die efforts," ani pa ni Buhain. "These athletes provided a lot of inspiration and motivation not only to their fellow athletes, but also to the whole Filipino nation."
At ang isa sa di malilimu-tang achievement na ikinukunsidera ni Buhain sa kanyang career sa PSC ay ang direktang pakikipag-ugnayan sa Pangulong Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo sa local sports development.