Kumana ng panalo si GM-elect Marka Paragua nang kanyang talunin ang Hungarian GM na si Robert Ruck sa krusiyal na laro upang bitbitin ang Pinoy sa panalo.
Nakipaghatian naman ng puntos sina GMs Eugene Torre, Rogelio Joey Antonio at International Master Jayson Gonzales kina Super GMs Zoltan Almasi, Ference Berkes at dating World champion GM Peter Acs, ayon sa pagkakasunod.
Bunga ng kanilang panalo, kumubra ang Filipinos ng 32 puntos upang makatabla mula sa 12th hanggang 20th puwesto kasama ang Poland, Swit-zerland, Uzbekistan, Serbia Montenegro, Germany, Slo-vakia, Belarus at Romania.
Gayunpaman, matapos gamitan ng tie break points, tumapos ang Philippines ng 19th puwesto na mas maganda kumpara sa 39th posisyon noong 2002 edisyon na idinaos sa Bled, Slovenia matapos na matalo ang apat na final round match kontra sa mas mababang ranggong Bang-ladesh.
Samantala, sa distaff side, naipanalo rin ng No. 64 seed Philippine team ang kanilang huling round kontra sa No. 58 seed IPCA (Inter-national Paraplegic Chess Association) 2-1.
Umiskor ng panalo sa board 3 ang rookie player na si Loreshyl Cuizon nang kanyang sibakin si Aliya Kudrina, habang nakipag-hatian naman ng puntos sina WIMs Sheerie Joy Lomibao at Beverly Mendoza kina Maryina Valickova at WFM Galina Dymshits sa board 1 at 2, ayon sa pagkaka-sunod.
Nagtala ang Filipina ng 20.5 puntos upang maka-salo mula sa 47th hanggang 54th place kasama ang Australia, Portugal, Venezuela, Iceland, Wales, Turkey at Brazil.